^

PSN Palaro

Taiwanese naisahan ng M. Lhuillier

-
CEBU CITY -- Bumangon mula sa 18 puntos na pagkakabaon ang M. Lhuillier-Kwarta Padala para hatakin ang 89-86 panalo laban sa Chinese-Taipei-Plantation Bay sa over-time ng ginaganap na 2003 Trust Classic National Open Championships sa New Cebu Coliseum.

Sumugal sa limang tao lamang si M.Lhuillier coach Raul ‘Yayoy’ Alcoseba nang gamitin lamang niya sina Dar-ryl Smith, Woodrow Enriquez at imports Bobby Parks, Corey Brown at Geremy Robinson sa final half at extra period.

Nagbunga ang kanyang pagsusugal nang itala nila ang panalo laban sa pagod nang Taiwanese sa torneong ito na may patnubay ng BAP at itinataguyod ng Trust Classic, Waterfront Hotel-Cebu City, Cebu Visitors and Convention Bureau , Plantation Bay, Air21, Panasonic at Gatorade.

Ang panalo ay nagbigay sa Cebuano ng solo liderato na may 2-0 baraha sa event na inorganisa ng National Basket-ball League at suportado din ng Accel, Sunkist, Healthy Options, Burlington Performance Socks, Hotel de Mercedes, Air Philippines, The Freeman, DZSR Sports Radio 918Khz, Nature’s Spring Drinking Water, Ricor Mills, Spring Cooking Oil, Baker’s Fair at Molten Basketball.

Nauna rito, nakabawi ang Burlington-NBL sa kabiguan mula sa Qatar nang igupo nila ang RP-Air21, 80-70.

vuukle comment

AIR PHILIPPINES

BOBBY PARKS

BURLINGTON PERFORMANCE SOCKS

CEBU VISITORS AND CONVENTION BUREAU

CHINESE-TAIPEI-PLANTATION BAY

COREY BROWN

DRINKING WATER

GEREMY ROBINSON

HEALTHY OPTIONS

LHUILLIER-KWARTA PADALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with