^

PSN Palaro

FREE THROWS GOOD BREAK KAY ADDUCUL

- AC Zaldivar -
UMAAYON ang pagkakataon para kay Rommel Adducul, isang manlalarong kinuha ng Barangay Ginebra bilang No. 2 pick sa nakaraang Draft.

Nang mapili ng Gin Kings si Adducul sa Draft ay maraming nagsabing tiyak na lalakas na ang Barangay Ginebra. Aba’y matindi ang triple tower combination ni coach Allan Caidic na kinabibilangan nina Adducul, Zandro Limpot at Eric Menk!

Hindi naman kasi maituturing na bagito si Adducul dahil sa siya ang marquee player ng Metropolitan Basketball Association kung saan naglaro siya para sa Manila Metrostars, Batangas Blades at Pangasinan Waves.

Dapat nga ay noon pang 1998 siya pumalaot sa PBA at malamang na kungdi sa Shell Velocity ay sa San Miguel Beer siya napunta. Pero minabuti niyang sa MBA maglaro. Noong isang taon ay lumahok siya sa PBA Draft subalit napilitan siyang bawiin ang kanyang pangalan dahil sa hindi siya pinakawalan ng Blades.

Ang siste ay hindi maganda ang naging umpisa ni Adducul sa Ginebra. Para bang nangapa siya sa PBA. Nangapa siya dahil sa hindi siya sanay na role player lang. Kasi nga, sa Ginebra ay maituturing na main man si Limpot at nang dumating si Menk ay hindi rin na-define kung ano ang role ng dalawa.

Kaya naman mababa ang mga numerong naitala ni Adducul sa All-Filipino Cup at marami tuloy ang nagsabing tila hindi siya bagay sa PBA. Matatagalan bago siya makapag-settle down. Pero dahil sa mahusay naman talaga si Adducul, naghintay lang siya ng tamang pagkakataon.

Nang masuspindi si Limpot dahil sa paglagpak sa drug test ng PBA, nabigyan ng pagkakataon si Adducul na sumingasing. Kasi nga’y forced to good na siya na punan ang puwesto ni Limpot. Humaba ang kanyang playing time, bumigat ang kanyang responsibilidad at nag-respond naman siya nang maayos.

Kaya nga bago nagsimula ang kasalukuyangReinforced Conference ay sinabi ng isang BarangayGinebra insider na si Adducul na ang magiging starter ng Gin Kings at kung magbabalik si Limpot ay maglalaro ito nang off-the-bench.

Ganoon nga ang nangyari at nagpatuloy sa pamamayagpag si Adducul. Double figures na ang kanyang average sa score at marami-rami ring rebounds ang nakukuha niya. So, okay na rin ang takbo ng pangyayari para kay Adducul.

Heto’t hahamuning muli ang kanyang kakayahan. Nagtamo ng hamstring injury si Menk sa laro ng Gin Kings laban sa Red Bull noong Miyerkules at isang buwan itong kailangang mamahinga. Tiyak na si Adducul na naman ang aatasang magpuno sa kawalan ni Menk.

Kung magagawa ito ni Adducul ay tiyak na tataas na nang husto ang kanyang kumpiyansa. At sa pagbabalik ni Menk ay magiging matindi na talaga ang triple tower combination ni Caidic.

Kung minsan, kinakailangan ng isang koponan ng mga pagsubok upang lumitaw ang tunay na galing ng isang manlalaro. Iyan ang nangyari kay Adducul.

vuukle comment

ADDUCUL

ALL-FILIPINO CUP

ALLAN CAIDIC

BARANGAY GINEBRA

BATANGAS BLADES

ERIC MENK

GIN KINGS

LIMPOT

MENK

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with