Sa ikatlong araw ng kompetisyon, muling kumubra ang RP tankers ng siyam na gintong medalya na tinampukan ng panibagong record-breaking performance nina Bonus Bordado, dalawang gold ni Luica Dacanay at tig-isa naman sina Marichi Gandionco at Lambert Guiriba upang ibigay sa Philippines ang maningning na pagtatapos sa tournament na ito.
Panibagong marka na naman ang kinana ni Bordado na nauna ng magposte ng bagong meet record sa boys 13-14 sa 100M freestyle sa ikalawang araw ng languyan sa 200M breaststroke.
Nagsumite ang dating siklista na lumipat sa pagiging manlalangoy ng 2:26.46 na tumakip sa dating marka na naitala naman ni Moho Akbar Nasution noong 1997.
Patuloy naman sina Dacanay at Gandionco sa kanilang maningning na performance sa kani-kanilang events nang kanilang pangunahan ang paghahatid sa Philippine swimming na muling makabalik sa record books ng ASEAN map .
Humablot si Dacanay ng dalawang golds--sa Girls 15-17, 50M backstroke at 200M fly.
Tumapos ang record-holder sa SEA Age Group 50M backstroke na si Dacanay ng 31.97 na bahagyang tumabon sa kanyang dating marka na naiposte noong nakaraang meet sa Bangkok.