PBL: De Ocampo ibinigay ng Welcoat sa Pop Cola
September 13, 2003 | 12:00am
Dahil sa hangad nila ang magandang kinabukasan ng koponan, opis-yal na ipinamigay ng Montaña si Ranidel de Ocampo, ang pinakama-husay na amateur center ng bansa sa kasalukuyan sa bagitong koponan na Pop Cola na ang nasabing hakbang ay isang malaking sorpresa sa mga coaches sa PBL.
Biniyayaan ng bilis at mahusay na kamador mula sa perimeter na wala sa ibang manlalaro na gaya niya ang taas, ang 21-anyos na si de Ocam-po, mainstay ng national team sa nalalapit na Vietnam SEA Games ay nakatakdang umakyat na sa pro league sa susunod na taon.
At bilang kapalit, nasungkit naman ng Montaña ang 6-foot-5 na si Al Magpayo at ang 64 na si Jason Cuevas.
Si Magpayo ay isa sa 9 na manlalaro na kinuha naman ng Pop Cola mula sa nalagas na LBC team. Si Cuevas ay huling naglaro sa LBC ngunit hindi siya nakuha ng Pop Cola.
"If we are thinking of just one conference then we will not trade de Ocampo because I know hes the best amateur center these easy but we have to be practical," wika ni Montaña coach Bong Go. "We want to be build a strong team in the coming conferences."
At dahil sa pagkawala ni de Ocampo sa koponan, siguradong lilikha ito ng malaking butas, g-yunpaman, kumbinsido pa rin si Go na mananatili pa rin ang kanyang team na kompetitibo.
Dalawang ulit na pinayukod ng Montaña ang Blu Star Power sa naka-raang exhibition games sa Mati, Davao Oriental at sa Davao City.
Ang pag-entrang ito ni de Ocampo ang inaasahang huhulma sa Pan-thers na maging team to beat, dahil sa pagkakaroon ng seasoned players. At sa katunayan, ilan sa mga eksperto ang naglalarawan sa koponan na mas mapanganib ito kumpara sa kanilang sister team na Viva Mineral Water.
Samantala, opisyal rin na itinalaga ng Pop Cola si Nash Racela bilang mentor sa Second Conference na magsisimula sa Oct. 25.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended