^

PSN Palaro

PBA Reinforced Conference: McClary bumandera sa Coke

-
ANTIPOLO CITY -- Gumawa ng triple-double performance si Artemus McClary upang ihatid ang Coca-Cola sa 103-96 panalo kagabi sa Ynares Center dito.

Tumapos si McClary ng 30 puntos, 14 re-bounds at 10 assists, ang kanyang ikalawang triple-double performance sa PBA upang isulong ang Coca-Cola sa kanilang ikatlong sunod na panalo at saluhan sa liderato ang walang larong Barangay Ginebra sa Group B.

Kumawala na sa first half ang Tigers bago umabante ng 20 puntos sa ikatlong quarter at pinigilan ang tangkang pagbangon ng Turbo Chargers para ipalasap ang ikalawang talo sa tatlong laro.

Ibinandera ng Coca-Cola ang pinakamalaking kalamangan sa 64-44 sa bungad ng ikatlong canto kung saan ibinagsak ng Shell ang 21-3 run upang ilapit ang iskor sa 67-63.

Gayunpaman, hang-gang dito na lamang ang nagawang oposisyon ng Turbo Chargers nang muling kumawala ang Tigers at di na bumaba sa double digit ang kanilang bentahe sa ikaapat na canto.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang pinaglalabanan ng San Miguel at Purefoods ang buwenamanong panalo sa kumperensiyang ito.

Samantala, magpapatuloy naman ang aksiyon sa Urdaneta, Pangasinan sa pagsasagupa ng Alaska Aces at Talk N Text Phone Pals.

Nakatakda ang laban ng Phone Pals (2-1) at Aces (0-2) na hatid ng AirPhilippines sa alas-5 ng hapon sa Urdaneta Sports Complex.

Sa iba pang balita, pinayagan na ring makapaglaro si Norman Gon-zales sa Talk N Text nang bawiin ang indefinite suspension na ipinataw sa kanya.

ALASKA ACES

BARANGAY GINEBRA

COCA-COLA

GROUP B

NORMAN GON

PHONE PALS

SAN MIGUEL

TALK N TEXT

TALK N TEXT PHONE PALS

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with