Makulay at masayang programa sa opening ng Asian Trackfest
September 12, 2003 | 12:00am
Ang may 6,000 mag-aaral, cultural dancers, taekwondo jins, all-star cheering teams, rappelers at ati-atihan tribesmen ay magiging bahagi sa opening program na inilinya ng City of Manila sa paghawi ng kurtina ng 15th Asian Athletics Association champion-ships sa Sept. 20 sa Rizal track and field stadium.
Aabot sa 25 elementary at high school ang itina-laga ni Ali Atienza, chairman ng Manila Sports Council na siyang nakikipag-koordinasyon sa nasabing programa na magtatalaga sa kani-kanilang cultural clubs na maghahandog ng kasiyahan sa mga foreign delegations mula sa 43 bansang kalahok sa apat na araw na tournament.
Ayon kay Atienza, kinatawan ng host Manila Mayor Lito Atienza na kanyang itinalaga si Tony Fabella, ang kilalang Manila Dance Center director-choreographer, na siyang humawak ng production at direction.
Ayon naman kay host PATAFA president Go Teng Kok, kanyang binigyan ang City of Manila ng blanket authority na siyang mangasiwa sa opening program ayon sa kanilang sariling kaalaman.
Labing-limang cheering teams mula sa ibat ibang UAAP at NCAA schools ang lalahok sa kani-kanilang tournament kontra sa iba pang talento.
Magpapamalas naman ang mga taekwondo stars ng kani-kanilang talento at inaasahang dadagsain ang opening ceremony kung saan ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang siyang principal guest of honor at speaker.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest