Nagpahayag ng kumpiyansa si PBL Commissioner Chino Trinidad na ang dalawang araw na camp ay magiging mabunga tulad ng mga nagdaang edisyon.
"This is the best venue where we can discover new talents and Im sure we can develop future stars from the camp," ani Trinidad.
"This is just an appetizer for our fans since we will be holding the Second Conference a month later," dagdag pa ni Trinidad. "Players from the UAAP, NCAA and other college leagues have been calling us so its going to be exciting."
Gayunpaman, binigyan diin ni Trinidad na ang Rookie Camp ay hindi lamang para sa mga collegiate players kundi pati na rin sa ibang basketball players na nagnanais pumasok dito.
Hahawakan ng mga beteranong coach ang Aspirants Camp.
Hindi pa napipinalisa ang lugar pero ang huling araw na pagpapatala ay sa Setyembre 19.
Para sa karagdagang detalye tumawag sa 899-8671/897-6383.