^

PSN Palaro

Iraq, Cambodia sali din sa Asian trackfest

-
Sa kabila ng matinding internal problem na sumalanta sa kani-kani-lang bansa, nagpadala ng mensahe ang Iraq at Cambodia kahapon na magpapadala sila ng delegation sa nalalapit na 15th Asian Athletics Association championships na nakatakda sa Sept. 20-23 sa bagong gawang Rizal track and field stadium.

Isang fax message ang ipinaabot ni Dr. Sate Ismaeil, secretary general ng Iraqi Amateur Athletic Federation na nagkukumpirma sa organizing Philippine Amateur Track and Field Association sa pamamagitan ni Maurice Nicholas, 3As permanent secretary treasurer.

Inihayag din ni PATAFA president Go Teng Kok na nakatanggap rin siya ng fax message mula kay Yem Oddom, secretary general ng Khmer Amateur Athletic Federation na nagkukumpirma ng partisipasyon ng maliit na koponan ng Cambodia.

Hinihintay pa ni Go ang final word mula sa Bhutan, ang munting virgin kingdom sa northeast Indian border na nauna ng nagpaabiso sa meet orga-nizers na sila ay magpapadala rin ng maliit na squad.

"Hindi ko masyadong expected ang North Korea but newly-reinstated Afghanistan is sending a delegate to the Congress on September 19," ani Go na nanabik na sa pagdating ng mahigit sa 43 bansang kalahok sa naturang meet.

Nahigitan ng Japan ang lahok ng China sa kanilang pinadalang 91 atleta, coaches at opisyal kumpara sa 70-man contingent ng huli. Ang India ang siyang pangatlo sa may malaking bilang ng lahok na 70-man squad rin, sumunod ang Qatar 69, Saudi Arabia 58 at Sri Lanka 53. Inaasahang ibubuhos ng mga atleta ng nasabing bansa ang lahat ng kani-kanilang lakas sa biennial tournament na ito na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Adidas, Milo, DOTC, Colgate Palmolive, Cafe Adriatico at City of Manila sa pangu-nguna ni Mayor Lito Atienza.

Kabilang sa SEAG members na may malaking isasabak na contingent ay ang Thailand na may 48, Singapore 36, Vietnam 25, Malaysia 21, Indonesia 14, Brunei 6, Laos 4, Cambodia at Myanmar 3.

vuukle comment

ANG INDIA

ASIAN ATHLETICS ASSOCIATION

CAFE ADRIATICO

CITY OF MANILA

COLGATE PALMOLIVE

DR. SATE ISMAEIL

GO TENG KOK

IRAQI AMATEUR ATHLETIC FEDERATION

KHMER AMATEUR ATHLETIC FEDERATION

MAURICE NICHOLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with