Itoy sa dahilang, ang dalawang coach na kapwa naniwala na ang Filipino talent ang siyang angkop na magdadala sa kampanya ng bansa na walang import sa event na ito na inorganisa ng National Basketball League (NBL) at sanctioned ng Basketball Association of the Philippines (BAP).
Samantala, nagpahayag naman ang Ricor Oil Mills ng buong suporta sa bisitang Qatar National Team sa event na ito. Ang Ricor, na pag-aari ng magkapatid na Danny at Andres Go ay nakabase sa Talisay, Cebu.
"We want to help our fellow Cebuanos experience the rare chance to witness quality international basketball thats why we adopted Qatar."
"Its better that we go all-local," ani Trinidad. "Karangalan ng bansa ang pinaglalaban dito kaya hindi na kami kumuha ng imports."
Pangungunahan ni Dave Bautista ang Pampanga Bulls, na siyang napiling MVP ng nakaraang NBL 1st National Championship ang kampanya ng kopona para sa Burlington-NBL All Stars kasama ang kapwa niya Mythical Five awardees na sina Robin Mendoza at Jimmy Robillos ng Forward Taguig.
Ang iba pang bubuo sa koponan ay sina Erwin Sta. Maria, Atoy Bernardino at Alfie Dais ng Taguig, Elbert Alberto, at VJ Santos ng Pampanga at Mario Reyes, Rodel Manuel at Rolly Menor ng Spring Cooking Oils