^

PSN Palaro

Katatagan sa liderato misyon ng UAP

-
Palawigin pa ang kanilang imakuladang karta at patatagin ang kapit sa liderato ang misyon ng nangungunang University of the Assumption-Pampanga sa muling pagsabak nila ngayon sa aksyon sa pagpapatuloy ng 9th CUSA season basketball tournament sa PMI gym sa Sta. Cruz, Manila.

Tangan ang malinis na 4-0 rekord, ang Pelicans ang tanging koponan sa torneong ito na hindi pa nakakatikim ng kabiguan at sila ay pinapaborang maisukbit ang ika-5 sunod na panalo sa pagharap nila sa St. Jude College ngayong ika-2 ng hapon.

Sa iba pang laro, sisikapin ng PCCr na makabawi mula sa 62-83 pagyuko sa PMI noong Huwebes at maibalik ang sarili sa kontensyon sa pagsalang nila ngayon laban sa naghahanap pa rin ng panalong DLS-AU sa ika-12:30 ng tanghali.

Magtatapat din ang defending champion LPC (2-2) at ang wala pa ring panalong DOMC (0-3) sa isa pang seniors game.

Sa women’s, maghihiwalay ng landas ang defending titlist PMI at Trinity College, habang magtitipan ang TIP at CCP, at magsasalpukan ang DLS-AU at PCCr. -(Ian Brion)

CRUZ

HUWEBES

IAN BRION

IKA

MAGTATAPAT

PALAWIGIN

ST. JUDE COLLEGE

TANGAN

TRINITY COLLEGE

UNIVERSITY OF THE ASSUMPTION-PAMPANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with