Ibinuhos ng 19-anyos na si Ermelita Castillo, isang senior criminology student mula sa Baguio Colleges Foundation ang kanyang lakas upang ibigay ang pinakamabilis niyang pagtakbo sa kauna-unahang pagkakataon sa 20K na karera upang may patunayan sa kanyang sarili maging sa kanyang atletang kasintahan, ngunit ilang metro na lamang ang layo sa finish line sa Burnham Park ito ay hinimatay, gayunman nagawa pa rin niyang makuha ang nalalabing slot para sa national finals sa Manila.
Gaya ng dapat asahan, muling dinomina ng nakaraang taong champion sa distaff side na si Marychiel Minas, 20-anyos at trackrunner sa Benguet State University ang karera nang kanyang kunin ang pangunguna na hindi na niya binitiwan upang solong tawirin ang finish line at itala ang kanyang back-to-back na panalo sa regional race na siyang huling elimination para sa Luzon.
Pumangalawa ang 23-anyos na si Mildred Sabiano mula sa Cordillera Career Development College matapos ang 1:54:26 na sapat na para sa P6,000 at isang slot sa Milo Marathon finas.
Sa mens side, pumangatlo ang first timer na si Fernandez Sumacbay mula sa Mountain province nang tapusin nito ang karera sa oras na 1:21.11.