PMI at PCCr maghihiwalay ng landas
September 4, 2003 | 12:00am
Tatlong umaatikabong sagupaan ang nakatakdang sumambulat ngayon sa muling pagsiklab ng hostilidad sa 9th CUSA season basketball tournament sa Pasay City Sports Complex.
Sisikapin ng University of the Assumption-Pampanga na mapanatiling walang bahid ang kanilang kartada sa pagharap nito sa defending champion na Las Piñas College sa inisyal na engkuwentro sa ala-1 ng hapon.
Magpipilit naman ang perrenial na kontender na Manuel L. Quezon University na makabawi mula sa masamang pasimula ng kanilang kampanya sa pakikipagtipan nito sa naghahanap pa ring panalong Trinity College Quezon City sa ikalawang sultada.
At sa tampok na laro, maghihiwalay ng landas ang kapwa may imakuladang rekord na Philippine College of Criminology at host Philippine Maritime Institute.
Ang UA-P Pelicans, PMI Admirals at PCCR ang magkakasalo ngayon sa liderato tangan ang magkakatulad na 3-0 marka. Ang LPC Huskies naman ay nakasakay sa 2-game winning streak matapos mabigo sa unang asignatura habang ang MLQU Stallions ay may 1-2 baraha at ang Trinity ay bokya sa tatlo nitong pagsalang.
Samantala, ang mga larong itinakda kahapon ay ipinagpaliban ng liga dahil sa hindi magandang panahon. Ito ay muling itinakda sa Set-yembre 14. (Ulat ni IAN BRION)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended