Masyado pang maaga para harapin si Barrera
September 4, 2003 | 12:00am
Hindi pa hinog si Manny Pacquiao para harapin si featherweight Marco Antonio Barrera.
Ito ang personal na pananaw ni Freddie Roach, ang tainer ni Pacquiao na humubog sa kanya upang maging isa sa pinakamapanganib na boxer sa mas magaan na weight division.
Ayon kay Roach, masyado pang maaga ang makipagharap si Pacquiao kay Barrera na nakatakda sa Nobyembre 15. Mas nais nitong una-hin muna ang laban kontra kay Paulie Ayala sa 126 lbs dahil ito ang kailangan niya para umakyat sa susunod na antas ang featherweight division para makalaban ang mga boksingerong tulad ni Barrera at Erik Morales.
Sinabi rin ni Roach na kapag nilabanan ni Pacquiao si Ayala, siya ang magiging kauna-unahang fighter na magpapabagsak dito at ibig sabihin maari na siyang humarap kay Barrera dahil ang featherweight "Peoples Champion" ay nais ding makalaban ang Pinoy at kasalukuyang tinatrabaho na ito ng promoter na si Murad Muhammad at ng HBO sa isang 12 non-title bout sa Nobyembre 15 kung saan tatanggap si Pacquiao ng halagang $350,000 at karagdagang Philippine TV rights.
Ngunit may dalawang bagay na nakahadlang--Una pumirma ng kasunduan si Pacquiao sa IBF na magbibigay daan kay Jose Luis Valbuena nang mandatory title shot bago mag Oktubre 26 at ang kasong iniharap ng Forum Boxing kontra kay Barrera na pumirma naman sa Golden Boy Promotions bagamat may existing contract ito.
Inaasahan naman ni Rod Nazario, business manager ni Pacquiao na mababalitaan siya ni Murad sa susunod na linggo upang ikumpirma ang Barrera fight at nagsabing mas gusto din niyang unang makaharap ng kanyang alaga si Barrera dahil masyadong magalaw si Ayala at maaring matalo si Manny sa pamamagitan ng desisyon bagamat hindi masasaktan ni Ayala si Pacquiao dahil mas mabilis naman ang Pinoy. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended