At kung ito lang, nais ng kampo ni Hawkins na makipag-areglo sa FedEx kung saan hindi pa natatapos ang kanyang problema.
Si Hawkins ay sinamahan ng kanyang manager na si Danny Espiritu sa PSA Sports Forum at sinabing malamang matapos na ang mga problema sa isang linggo.
"Were very friendly in our talks with FedEx, so in a matter of 10 days matatapos na ito," ani Espiritu. "Gustung-gusto na rin naman kasing maglaro ni Bong."
"Ang gusto ko lang naman talaga ay maglaro," dagdag ni Hawkins. "Kaya mas maganda sigurong may settlement na."
Ang nalalabing dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng P9.5M sa FedEX na minana nila nang bilhin nila ang prangkisa ng nagdisbandang Tanduay ang hindi maayos na problema ni Hawkins.
Wala ring naging desisyon ang PBA Board of Governors tungkol sa kaso na nagpuwersa sa Air21 management na humingi ng legal opinyon sa labas ng liga at sinabing bahala na ang korte ang magde-sisyon.
Gayunpaman, malamang na hindi na rin umabot sa korte ito makaraang magsumite ng sulat sina Hawkins at Espiritu kay PBA commissioner Noli Eala na handa na silang makipag-areglo sa FedEx. (Ulat ni Dina Marie Villena)