Makakasagupa ng Invitational titlists Alaska ang Sta. Lucia sa alas-5:00 ng hapon habang sisimulan naman ng Coca-Cola, dalawang beses na nag-runner-up sa taong ito, ang kanilang kampanya sa pakikipagharap sa Purefoods sa alas-7:30 ng gabi.
Mga dating imports ang kinuha ng Aces at Tigers, ang mga finalists sa nakaraang Invitational championships, para sa kanilang kampanya sa ikatlong kumperensiyang ito.
Bagong mukha naman ang ipaparada ng Realtors at TJ Hotdogs.
Kinuha ng Sta. Lucia si Nate James na galing sa Duke University ha-bang si Harold Arceneaux naman ang sasandalan ng Purefoods.
Sa dalawang ito, si James ang pinakaaabangan ng lahat. Ang 6-foot-4 swingman na si James ay may average na 12.3 puntos at 5.2 rebounds bilang senior sa Duke Blue Devils kung saan nakasama nito sina Alaska import Chris Carawell at Ginebra reinforcement Ricky Price.
Si Arceneaux ay may average na 22 puntos sa kanyang dalawang taong paglalaro sa Weber State.
Si Carawell ay isa sa dalawang Duke player na nagposte ng 1,000-plus points, 600-plus rebounds, 100-plus blocks at 300-plus assists. Ang isay si Grant Hill ng Orlando Magic.
Si Tee McClarry naman, naging import ng Mobiline, ang kinuha ng Coca-Cola para palakasin ang kanilang frontline.
Samantala, dumating na kamakalawa ang import ng San Miguel na si Shea Seals bilang kapalit ni Cris Clack na bumagsak sa drug tests. (Ulat ni Carmela Ochoa)