Nagtala si Davadilla, ang national rider na pumuwesto ng ikatlo sa nakaraang summers Air21 Tour ng dalawang oras, 53 minuto at 52.72 segundo upang pamunuan ang 124-km race na inorganisa ng Manila Cultural Center Cycling Inc., sa pangunguna ng presidente na si Art Cayabyab, vice president Leo Magaway at chairman Fer Chavez.
Nagsumite naman si Tanguilig, tumapos ng ikaapat sa Tour ng nasabi ring oras kung saan nakuntento naman si Quirimit sa ikalawang posisyon, sinundan nina Tour champion Arnel Quirimit, Gerry Amar, Victor Espiritu, Alfie Catalan, Sherwin Diamsay at Enrique Domingo na pawang naglatag ng magkakaparehong tiyempo na 2:58:40.09.
Lumapag sa ikasiyam si Benito Lopez (2:59:01.43) at 10th si Danzel Yaranon (3:00:43.11) sa event na ito ng accredited ng Tour Race Management Group, Philippine National Cycling Association na may alok na puntos para sa qualifying races sa susunod na summers Tour.
Nagtala naman si Al Villamil ng 59:30.80 upang dominahin ang 43.40-km category I masters (40 and above) division, habang si Emil Pablo ay nagsumite ng 1:25:38.45 upang banderahan ang 62-km Category II Masters (39 and below) class ng karerang ito na sinusuportahan ng Air21 sa ilalim ng chairman nito na si Bert Lina at presidente na si Lito Alvarez.
Umabot sa kabuuang 159 riders ang bumahagi sa Elite category kung saan 46 ang nakatapos ng karera. Mayroon namang 51 entries sa category I at 64 siklista sa category II ang nagpartisipa sa event na ito na siyang pinakamalaki sa isang araw na karera na idinaos sa buwan ng tag-ulan sa loob ng Metro Manila.