^

PSN Palaro

Reyes bigo sa World Pool Masters

-
Inilatag ni Tony Drago ng Malta ang kanyang kredensiyal bilang world-class pool player nang daigin niya si Huikai Hsia ng Chinese-Taipei, 8-6 at isukbit ang World Pool Masters title sa tensiyonadong bakbakan sa punong-punong Hotel Zuiderduin sa Egmond Aan Zee, Holland.

Hindi naman naging masuwerte ang pambato ng bansa na si Efren ‘Bata’ Reyes na tinalo ng mahigpit niyang karibal na si Earl Strickland sa tinaguriang ‘Clash of the Titans’ quarterfinal match.

Puno ang loob ng hotel nang pumasok sina Reyes at Strickland.

Unang binasag ni Reyes ang katahimikan tungo sa 3-0 abante.

Ngunit nabigyan ng pagkakataon si Strickland na maka-runout nang sinadya ni Reyes na ma-scratch pagtatangka nitong itago ang cue ball at nagawang itabla ng Amerikano ang laro sa 3-3.

Kinamada ni Strickland ang tatlong sunod na racks para tumalon sa 6-3 abante bago humatak ng isa si Reyes, 6-4.

Ngunit nakita na lamang ni Reyes ang sarili na parang baguhan ma-karaan ang break at makipagpalitan ng safeties ngunit isang mahu-say na cross bank sa 1-ball ang itinakda ni Strickland para sa 7-6 abante.

Sa kabilang dako naman isang sensational performance ang ipina-malas ni Hsia nang ibagsak si World Pool champion Thorsten Hohmann 8-0 bago pinatalsik si Alex Lely sa semifinals.

ALEX LELY

CLASH OF THE TITANS

EARL STRICKLAND

EGMOND AAN ZEE

HOTEL ZUIDERDUIN

HUIKAI HSIA

NGUNIT

REYES

STRICKLAND

THORSTEN HOHMANN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with