At kahapon ang sanay magpopormalisa sa pag-entra ng Mapua Cardinals para sa ikaapat at huling slot sa Final Four ay diniskaril pa ng College of St. Benilde makaraang ipatikim sa Intramuros-based squad ang 80-72 kabiguan sa Rizal Memorial.
Ang kabiguan ay ika-anim ng Cardinals matapos ang kanilang 13-asignatura na nagbigay sa tropa ni coach Horacio Lim ng kumplikadong situwasyon, habang nalasap naman ng Blazers ang kanilang ikalimang tagumpay sa 13-laro.
Kailangan na lamang ng Cardinals na maipanalo ang susunod na laro upang ganap ng sarhan ang four team semifinal cast kung saan nauna ng naselyuhan ng defending champion San Sebastian, Letran Knights at Jose Rizal U ang tatlong semis berth.
Ang pagkatalong ito ay nagbigay ng bahagyang pag-asa sa San Beda Red Lions na may iniingatang 6-7 win-loss slate at UPHR Altas na may 5-7 kartada na naghahabol para sa ikaapat na semis slot.
Gayunpaman, mayroon pang isang tsansa ang Cardinals na maisu-long ang kanilang kampanya sa semis kung maipapanalo ang kani-lang laban kontra sa Philippine Christian Dolphins sa Biyernes.
Sa isa pang senior game, pinataob naman ng PCU Dolphins ang UPHR Altas, 62-61.
Sa junior game, namayani ang MIT Red Robins sa CSB Baby Blazers, 90-72, habang naungusan ng Baby Dolphins ang Altalettes, 68-65.