Abay nagpaulan ng sangkaterbang three-point shots si Lloyd tungo sa pagtatala ng 43 puntos. Itoy sa kabila ng katotohanang hindi naman ganoong katangkad si Lloyd na binansagang "The Rock." Si Lloyd ay may sukat na 6-2 5/8 at ikalawa sa pinakamaliit na import sa torneo. Ang pinakamaliit ay ang balik-PBA na si Artemus McLary ng Coca-Cola Tigers na may sukat na 6-2 3/8.
Pero mukhang hindi naman talaga kailangan ng Red Bull ng matangkad na import dahil sa nagbalik na nga sa kanilang line-up si Davonn Harp matapos ang tatlong buwang suspension bunga ng paglagpag sa drug testing program ng liga. Kung noong wala si Harp ay nakaya nina Mick Pennisi, Enrico Villanueva at Homer Se na kontrolin ang boards, ngayon pa?
Kaya naman dahil sa mayrong solid na rebounder ang Barakos ay malaki ang kumpiyansa ni Lloyd na magpakawala ng mga three-point shots. At talaga namang nakakamangha at nakakainggit ang kanyang accuracy.
Kumbaga ngay pinataob niya sa kanilang match-up ang mas matangkad na si Terrence Shannon ng FedEx. Pero siyempre, marami ang nagsabing talagang aangat si Lloyd kontra kay Shannon dahil sa bagong dating lang ang import ng FedEx na humalili kay Darrin Hancock na pinauwi matapos na lumagpak din sa drug test.
Ewan natin kung mas magiging maigting ang duwelo ng dalawang imports kung mas maagang dumating si Shannon.
Pero hindi naman natin puwedeng gamitin iyon laban kay Lloyd. Kumbaga, kahit maaga o hindi maagang dumating si Shannon, maraming nagsasabing nakahanap ng ginto ang Red Bull Barakos kay Ramel at baka sakaling matapos na ang mga frustrations ng Barakos at magkampeon sila sa season-ending tournament.
Kasi nga, nong isang taon pa nalilinyang magwagi ng kam-peonato ang Barakos matapos na magtagumpay sila sa 2002 second conference.
Hindi nga bat palagi na lang silang namamayagpag sa elimination round subalit nasisilat. Ganoon ang nangyari sa nakalipas na dalawang All-Filipino Cup. Para bang malas sila sa All-Filipino at suwerte kapag may imports.
Puwes, pagkatapos mamayagpag sa conference na ito, siguradong pipilitin ni coach Joseller "Yeng" Guiao na lalong patatagin ang kanyang local line-up para naman tuluyan na silang magkampeon sa All-Filipino sa susunod na taon.
Iyon kasi ang pangarap ng bawat koponan, eh. Magwagi sa All-Filipino na itinuturing na pinaka-prestihiyoso sa tatlong conferences sa isang PBA season!