^

PSN Palaro

Vence hari ng MM elims

-
Inihakbang ng five-time National champion na si Roy Vence ang unang baytang sa pagkopo ng kanyang ikaanim na titulo nang pangunahan kahapon ang 42-kilometer National Capital Region elimination leg ng 27th National Milo Marathon sa Quirino Grandstand.

Dahil sa kawalan ng mahigpit na kalaban gaya nina two-time winner Allan Ballester at defending champion Eduardo Buenavista, ginamit lamang ni Vence ang nasabing karera bilang tune-up run sa kanyang paglahok sa Southeast Asian Games sa Vietnam ngayong Disyembre. Kanyang tinapos ang karera sa tiyempong dalawang oras, 29 minuto at pitong segundo na bahagya lamang ang agwat sa kanyang kinamadang oras na 2:23:27 sa Finals noong nakaraang taong.

Kuwalipikado na si Vence na tumakbo para sa 42-K Final sa Oct. 19 kasama ang iba pang mga runners na kumumpleto ng apat na oras na itinakda.

Pumangalawa at pumangatlo sina Noel Bautista (2:32:04) at Rowel Canillo (2:34:44).

Sa distaff side, nagreyna naman si Liza Yambao sa annual race na ito na idinaos sa pakikipagpareha sa Cebu Pacific, Adidas, Bayview Park Hotel at Department of Tourism.

Pumangalawa si Liza Delfin na may 3:33:33 habang si Melinda Manahan ang tumersera sa oras na 3:41:43.

vuukle comment

ALLAN BALLESTER

BAYVIEW PARK HOTEL

CEBU PACIFIC

DEPARTMENT OF TOURISM

EDUARDO BUENAVISTA

K FINAL

LIZA DELFIN

LIZA YAMBAO

MELINDA MANAHAN

NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with