Ateneo, semifinalist na
September 1, 2003 | 12:00am
Pinagtulungang balikatin nina Wesley Gonzales at Rich Alvarez ang opensa ng Ateneo sa huling bahagi ng sagupaan upang ihatid ang Blue Eagles sa 56-53 panalo kahapon kontra sa University of the Philippines sa pagpapatuloy ng 66th UAAP mens basketball tournament sa Blue Eagle gym.
Sa labang ito, sinamantala rin ng Blue Eagles ang pagtatapon ng bola ng Fighting Maroons sa endgame ang nagbigay sa Ateneo ng unang upuan sa Final Four matapos na oposte ang kanilang 9 na panalo sa nakalipas na 12 na laro.
Ito rin ang ikalimang sunod na pagtapak ng Ateneo sa semifinals.
Matapos na maitabla nina Lino Tabique at Toti Almeda ang iskor sa huling pagkakataon, nagpasabog si Gonzales ng triples may 2:01 ang nalalabi na nagkaloob sa Ateneo ng 58-53 kalamangan.
Nagawa pa itong palakihin ng Katipunan-based dribllers sa limang puntos matapos na umiskor si Jay-R Reyes ng dalawang charities mula sa foul ni Paolo Bugia, na ikalima nito na siyang nagpatalsik sa kanya sa laro.
Nauna rito, dinuplika ng kanilang junior counterparts nang magwagi ang Blue Eaglets matapos na sibakin ang defending champion UP Integrated School, 106-60 sa junior game.(M. Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended