Narvasa hindi tutol kay Bayno
August 31, 2003 | 12:00am
Hindi tututol si Chito Narvasa, pangulo ng Basketball Coaches Association sa dalawang game na pamamahalaan ni American coach Bill Bayno sa Talk N Text na unang makakalaban ang Shell ngayon sa Reinforced Conference sa Cuneta Astrodome.
Ayon sa dating coach ng Shell, aakuin niya ang responsibilidad na magpaliwanag sa kanyang mga miyembro sa BCAP na malakas ang pagtanggi sa mga foreign coaches sa PBA.
Sinabi ni Narvasa na pansamantalang pupunuan ni Bayno ang puwesto sa Talk N Text dahil sa limang larong suspensiyon ni acting head coach Ariel Vanguardia matapos gawing katawa-tawa ang kanilang knockout games laban sa Red Bull Barako.
At sa apela na rin ni Talk N Text governor Ricky Vargas na tila tatanggihan, sinabi ni Narvasa na kinausap na niya si coach Joel Banal, kasalukuyang nagko-coach sa UAAP defending champion Ateneo Blue Eagle, nang tungkol sa kanilang sitwasyon. Sinabi din ni Narvasa na hindi pamilyar si assistant coach Virgil Villavicencio sa set up at ang paggamit kay Bayno sa dalawang laro ay hindi makakaapekto.
Samantala, pinalakas din ng Barangay Ginebra ang kanilang lineup sa pagbabalik ni Alex Crisano na binigyan ng clearance ni PBA commissioner Noli Eala kasama nina Davonn Harp ng Red Bull at Noli Locsin ng Talk N Text, habang malamang na makahabol din si Jun Limpot na nakapagbigay na ng clearance documents para sa re-evaluation. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended