PBA Reinforced Conference: Red Bull vs FedEx
August 30, 2003 | 12:00am
Malalaman ngayong araw ang kasagutan kung tama ang naging desis-yon ng FedEx Express na pasibatin ang kanilang naunang import sa kanilang pagtitipan ng Red Bull Barakos sa pagbubukas ng hostilidad ng PBA Reinforced Conference na dadayo sa malamig na lugar sa Eastern College sa Baguio City.
Ilang araw bago pa man magbukas ang kumperensiyang ito, nagde-sisyon ang Express management na sibakin ang una nilang import na si Darrin Hancock dahil sa wala ito sa kundisyon.
At kamakalawa, dumating ang baging reinforcement ng Express si Terrence Shannon upang balikatin ang FedEx.
Si Shannon ay nakapasa sa itinakdang height limit matapos na masu-katan ng 6-foot-4 15/16 inches ng mga PBA opisyal sa Manor Hotel sa Camp John Hay.
"He practice with us and hes in good condition" ani coach Derick Pumaren.
Tumapos ang Express ng ikatlo sa katatapos na Samsung-PBA Invitational Championship na siya nilang magandang pagtatapos sa nakalipas na dalawang taong paglahok sa liga.
Dahil sa pagbabalik na si Davonn Harp, kailangan ng Express na maglabas ng mas agresibong performance dahil siguradong puputok ng husto ang Fil-Am na si Harp kung saan siya ang inaasahan ng Barakos sa opensa.
Bukod kay Harp, magbibigay rin ng sakit ng ulo ang 6-4 na si Ramel Lloyd na nagpakita ng aksiyon sa Long Beach State University noong 1998-2001 habang ito ay naglalaro pa sa college days. (Ulat ni MRepizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended