^

PSN Palaro

Tikas ng mga karibal susubukan ng Nationals

-
Susubukan ng RP Nationals ang tikas ng mga pinapaborang kalaban sa pagpapakita nila ng aksiyon sa nalalapit na 2003 Philippine National Open Championship sa Setyembre 11-17 sa Cebu City.

Kagagaling lamang sa kanilang kampanya sa Hong Kong Super Cup, makakasagupa ng RP Team na gigiyahan ni coach Aric del Rosario ang tatlong dayuhang koponang mahigpit na paboritong magwagi ng korona sa darating na 22nd ABC Men’s Championship sa Sept.23-Oct. 3 sa Harbin, China.

Ang tatlong foreign teams na nagkumpirma ng kanilang paglahok sa nasabing event na inorganisa ng National Basketball League (NBL) at sanctioned ng governing (BAP) ang Qatar National Team, Jordan National Team at Chinese Taipei National Team.

Hindi sinasadyang ang RP team ay naihanay sa grupo na kasama ang Jordan at Qatar sa nasabing international tilt kasama ang Japan.

Ang Philippine National Open Championship ang magbibigay kay del Rosario ng tsansa na ma-scout ang kanilang lakas bago pa man sumapit ang ABC Men’s tourney.

Ang Qatar ay babanderahan ng six-foot-eight na si Taseen Ismail Mahmoud na tinaguriang ‘The Dunke from Doha’ nang kanyang trangkuhan ang kanyang koponan sa 2002 ABC Champions Cup sa Malaysia.

Ang Jordan ay pamumunuan ng 6’9 center-forward na si Zaid Alkhas, habang ang Chinese Taipei ay sasandig sa 6’8 guard na si Tie Lie kasama ang 6’11 slotman na si Wu Tai Hao, 6’9 forward Chiu Chih Yi at ang television actor na si Yen Hsing Su ng ‘My MVP Valentine.’

Ang NBL North ay igigiya nina Alan Trinidad ng Pam-panga Bulls at Danny Gavierres ng Forward Taguig, habang ang South ay sa ilalim naman ni Raul ‘Yayoy’ Alcoseba at Compak Shineway-Ozamiz City mentor Francis Rodriguez.

ALAN TRINIDAD

ANG JORDAN

ANG PHILIPPINE NATIONAL OPEN CHAMPIONSHIP

ANG QATAR

CEBU CITY

CHAMPIONS CUP

CHINESE TAIPEI

CHINESE TAIPEI NATIONAL TEAM

CHIU CHIH YI

COMPAK SHINEWAY-OZAMIZ CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with