Ang 31 anyos na si Hancock ang tanging NBA veteran sa sampung imports na paparada sa ikatlong conference ay hindi pa fit na maglaro para sa Express.
Ayon sa coaching staff ang dating Charlotte Hornet player ay hindi makatagal sa loob ng 48 minutes na paglalaro na kailangan ng FedEx.
"Darrin Hancock, no doubt is an exceptional player. The coaching staff is one in saying that he is the type of player, who can dominate in the PBA," ani Air21 president at Ex-press team manager Lito Alvarez.
"But he is not in tip-top shape. Kulang sa hangin. We dont want to have a problem in the middle of the conference, thats why we acted swiftly," dagdag ni Alvarez, na nagsabing nakatakdang dumating ang kapalit na import nito kagabi.
Si Shannon ay pangunahing player ng Adirondack Wildcats sa USBL, kung saan nanaig ang kanyang dominasyon. Siya rin ang main man ng Roanoke Dazzle sa National Basketball Development League (NBDL).