^

PSN Palaro

Import ng FedEx agad na sinibak

-
Pinalitan ni USBL standout Terrance Shannon bilang import ng FedEx Express si NBA veteran Darrin Hancock, at agad mapapasabak sa opening game nila kontra sa Red Bull Barako na gaganapin sa Eastern College gym sa Baguio City.

Ang 31 anyos na si Hancock ang tanging NBA veteran sa sampung imports na paparada sa ikatlong conference ay hindi pa fit na maglaro para sa Express.

Ayon sa coaching staff ang dating Charlotte Hornet player ay hindi makatagal sa loob ng 48 minutes na paglalaro na kailangan ng FedEx.

"Darrin Hancock, no doubt is an exceptional player. The coaching staff is one in saying that he is the type of player, who can dominate in the PBA," ani Air21 president at Ex-press team manager Lito Alvarez.

"But he is not in tip-top shape. Kulang sa hangin. We don’t want to have a problem in the middle of the conference, that’s why we acted swiftly," dagdag ni Alvarez, na nagsabing nakatakdang dumating ang kapalit na import nito kagabi.

Si Shannon ay pangunahing player ng Adirondack Wildcats sa USBL, kung saan nanaig ang kanyang dominasyon. Siya rin ang main man ng Roanoke Dazzle sa National Basketball Development League (NBDL).

ADIRONDACK WILDCATS

BAGUIO CITY

CHARLOTTE HORNET

DARRIN HANCOCK

EASTERN COLLEGE

LITO ALVAREZ

NATIONAL BASKETBALL DEVELOPMENT LEAGUE

RED BULL BARAKO

ROANOKE DAZZLE

SI SHANNON

TERRANCE SHANNON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with