ANG HANAP NATIN

Handa na ang lahat para sa 3rd Conference ng PBA. Sinusubukan na ng mga teams ang kani-kanilang mga import laban sa isa't isa. Naglaban kahapon ang Purefoods Hotdogs at Talk N Text Phone Pals sa Reyes Gym. Lumamang ng 25 ang Purefoods, at halos maubos ito nang habulin sila ng Talk N Text.

Samantala, nagtungo na sa Baguio ang Red Bull Barako bilang paghahanda para sa laro sa Sabado.

Mukhang matindi ang ilan sa mga import.

Subalit ano ba ang iniinda ng PBA?

Sa tingin ng ilan sa mga nanonood, isa sa mga bagay na nag-uugnay sa mga fans ay ang kanilang pangarap, sa mga mata ni Juan Dela Cruz, pwede siyang maging PBA player. Kung wala siyang edukasyon mula sa premyadong paaralan, at walang salaping pang-negosyo may solusyon: Basketbol.

Pero dalawa ang nagbago.

Una' di na ganoong kadali, dahil sa dami ng Fil-Am. Gustuhin man niya, konti na ang pagkakataon para makapasok sa PBA. Nakuha na ng mga dayuhan.

Pangalawa, di niya kayang maging Fil-Am. Malabo na makapag-aral siya sa isang US NCAA Division I o Division II school. Lumayo na sa kanya ang pangarap.

Ito marahil ang isang naglaho sa koneksyon ng PBA sa masa. Ang tinatawag na "aspirational aspect" ng liga, na madali siyang abutin noong araw.

Ang mahirap dito ay hindi ito mareremedyuhan ng PBA. Di naman pwede alisin ang mga naglalaro nang Amerikano.

Paano magiging mas kaaya-aya ang liga?

Mahirap baguhin ang kulturang tumubo na.

Show comments