^

PSN Palaro

Mapua nakapuwang sa Final Four

-
Sumandig ang Mapua Cardinals sa matatag na pulso ng rookie guard na si Sherwin Co upang matakasan ang mahigpit na labang ibinigay ng San Beda College at iposte ang 64-63 pagkaungos sa pagpapatuloy kahapon ng 79th NCAA men’s basketball championship sa Rizal Memorial Coli-seum.

Ang panalo ay nagpatatag sa pag-asa ng Cardinals na mapasama pa sa Final Four nang umangat ang kanilang kartada sa 7-5 kung saan nakatabla nila ang Jose Rizal Heavy Bombers sa ikatlo hanggang ikaapat na posisyon sa standings, habang ang kabiguan ay naglaglag naman sa Red Lions sa No, 5 slot bunga ng 6-6 record.

Humakot si Raymond Dula ng 11 puntos bukod pa ang paghatak ng 22 rebounds, habang nakakuha naman siya ng malaking suporta mula sa rookie forward na si Nathaniel Gonzales at veteran guard na si Christian Guevarra ng tig-10 puntos.

Ngunit ang nagsilbing bayani ng laban ay si Co na siyang nag-angat sa Cardinals nang isalpak niya ang huling puntos sa pamamagitan ng jumper upang hatakin ang 64-61 kalamangan, tungo sa huling 1:03 ng labanan.

Sa junior game, iginanti naman ng kanilang junior counterpart ang Cardinals nang igupo ang MIT Red Robins, 91-82.

vuukle comment

CHRISTIAN GUEVARRA

FINAL FOUR

JOSE RIZAL HEAVY BOMBERS

MAPUA CARDINALS

NATHANIEL GONZALES

RAYMOND DULA

RED LIONS

RED ROBINS

RIZAL MEMORIAL COLI

SAN BEDA COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with