Imports magpapakitang gilas
August 27, 2003 | 12:00am
Sa pagbabalik ng tatlong imports at ng pitong bagito, determinado ang lahat na patunayan ang kani-kanilang tikas ang inaasahang masisilayan sa pagbubukas ng season-ending PBA Reinforced Conference.
Makikilatisan ang lahat ng 10 imports na may height limit na 6-foot-5 ngayong Sabado sa Eastern College Gym sa Baguio City. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng liga na ang opening game ay gaganapin sa labas ng Metro Manila.
Ang mga balik-imports ay sina Artemus McClary ng Coca-Cola, Cedric Webber ng Shell at Chris Carrawell ng Alaska--na pawang dumalo kahapon sa PSA Forum sa Manila Pavilion kasama ang pitong iba pang imports na nagsalita kung ano ang kanilang magagawa para sa koponan na kanilang gigiyahan.
"Just expect us to win. Thats the bottomline," ani Carrawell, isa sa tatlong dating manlalaro ng Duke na punong-puno ng mahuhusay na batch ng mga imports, ang dalawa ay sina Rick Price ng Ginebra at Nate James ng Sta. Lucia. Ito ang ikalawang pagkakataon na lalaro si Carrawell sa Alaska.
Ang iba pang imports na susubok sa mapaghamong laro sa Philippine basketball ay sina Kris Clark ng San Miguel Beer, Damian Cantrell ng kasalukuyang All-Filipino champion Talk N Text, Darrin Hancock ng FedEx, Harold Arceneaux ng Purefoods at Ramel Lloyd ng Red Bull.
Si Lloyd ay produkto ng University of Syracuse na huling sumabak sa Venezuela. Sinabi nito na ang kanyang misyon ay ang mapanatiling hawak ng Red Bull ang kanilang titulo.
Plano ni Webber, naglaro sa Shell noong nakaraang taon ng apat na games lamang nang umalis ito ng maaga upang subukan ang kan-yang kapalaran sa NBA na sa kanyang pagbabalik ay tapusin ang kan-yang nasimulan at nakahanda siya na ibigay ang 110 percent na kanyang laro kada gabi.
Sa parte naman ni McClary, kinakailangan niyang mag-adjust sa Coca-Cola matapos na lumaro sa Mobiline.
"Ill just have to try and fit in," anang 28-anyos na banger na galing lamang sa maikling paglalaro sa Seoul, South Korea.
Si Hancock ang pinakamatanda sa grupo sa edad na 30, gayunman dadalhin niya ang kanyang dalawang taong karanasan sa Charlotte Hornets.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended