Pinangunahan ng defending mens singles champion na si Ian Piencenaves at dating titlist na si Kennevic Asuncion ang atake ng mga paborito sa upper at lower brackets ng 128-man draw sa premiere mens single event kung saan dinispatsa ng una si Harry Villareal, 15-0, 15-1 bago hiniya si Michael Benitez, 15-0, 15-0.
Pinabagsak din ng co-third ranked players na sina Arolas Amahit at Rodel Bartolome sina Ramin Cruz, 15-1, 15-2 at Ryan Conde,15-1, 15-1, ayon sa pagkakasunod, habang ang sumunod na tatlong rankings bets sina Reynaldo Selga, Prospero Aguilar at Wally Fernandez ay pawang nagtala ng magaang na panalo upang umusad sa round of 32 ng elite category ng nasabing event na hatid ng electronics giant JVC sa ikatlong sunod na taon.
Ginapi ni Selga si Reybold Jardin, 15-1, 15-1; sinilat ni Aguilar si Ronel Carreon, 15-4, 15-3 at pinayukod ni Fernandez si Ace Domingo, 15-2, 15-3.
Tanging si Jojo Mance, na nasa ikalimang ranggo sa premiere class ang kinailangang sumandig sa extra set bago niya naisulong ang kanyang panalo matapos na gapiin si Ben Jonas Garcia, 15-5, 12-15, 15-7.