Sa boys 14-under bracket, pinabagsak ni James Canete si Larry Antigua, 6-4, 6-2 upang isaayos ang kanilang paghaharap ni El Santo Santos na umiskor ng 6-3, 6-2 panalo kontra John Sobrevega.
Ang iba pang finalists sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW na may suporta mula sa Wilson balls, Adidas at Sports Kids na may sanction ng Philta sina Ralph Barte na sasagupa kay Santos sa 16-under; Barte na haharap naman kayJanjie Soquino sa boys 18-under; Martina Guba na sasabak kay Sally Mae Siso sa girls 12-under; Martina Guba vs Jin Querubin sa girls 14-under; Querubin kontra Lean Baoy sa girls 16-under at Alyssa Labay kontra Riza Mariano sa girls 18-under division.