^

PSN Palaro

Warriors lumakas sa Final Four

-
Bumawi ang Univer-sity of the East sa kanilang nakaraang panalo na lalong nagpalakas ng kanilang tsansa para sa Final Four ng UAAP men’s basketball tournament na ginanap sa Ateneo gym kahapon.

Ito ay bunga ng kani-lang 68-61 pamamayani kontra sa University of the Philippines matapos magpasiklab si James Yap para iangat ang kanilang record sa 6-3 win-loss slate sa likod ng leader na Far Eastern Univerity (8-1) at defending champion Ateneo de Manila University (7-2).

Nagposte si Yap ng double-double performance sa pagposte ng 22 puntos na produksiyon bukod pa sa kanyang 10 rebounds para sa East na nakabangon sa kanilang 67-76 pagkatalo laban sa Ateneo Blue Eagles.

Naging malaking kawalan para sa UP Maroons ang di paglalaro ni Kenneth Robin na nagtamo ng ACL (anterior cruciate ligament) na lalong nagbaon sa State U sa 1-8 kartada.

Sa ikalawang laro, hindi rin nagpahuli ang 2002 runner-up De La Salle University matapos gapiin ang University of Sto. Tomas, 72-66 tungo sa 7-3 kartada din ng koponan.

Pinangunahan naman ni Mark Cardona ang kampanya ng DLSU Green Archers sa naitala nitong 26 puntos, 13 rebounds at apat na assists para palugmukin ang UST Growling Tigers na lumaglag sa 3-6 kartada na lamang. (Ulat ni CVOchoa)

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

DE LA SALLE UNIVERSITY

FAR EASTERN UNIVERITY

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

GROWLING TIGERS

JAMES YAP

KENNETH ROBIN

MANILA UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with