^

PSN Palaro

Katatagan sa liderato asam ng Letran Knights

-
Sisikapin ng Colegio de San Juan de Letran na maging matatag sa pangkalahatang pamumuno at makalapit sa Final Four ng NCAA men’s basketball tournament sa pamamagitan ng kanilang tagumpay ngayon.

Makakasagupa ng CSJL Knights ang College of St. Benilde sa unang seniors game sa alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng kanilang junior counterparts sa alas-11:30 ng umaga.

Nagsosolo sa liderato ang Letran taglay ang 7-3 win loss slate kasunod ang defending champion San Sebastian College at Jose Rizal University na tabla naman sa 7-4.

Nais masundan ng Knights ang nakaraang 76-56 panalo kontra sa karibal na SBC Red Lions at kasabay nito’y maduplika ang kanilang 77-75 pamamayani laban sa CSB Blazers sa kanilang unang paghaharap.

Nakasalalay sa mga kamay nina Ronjay Enrile, Boyet Bautista, Jonathan Aldave, Jonathan Pinera at Billy Ray Anabu ang katuparan ng kanilang layuning ito.

Sa ikalawang seniors game sa dakong alas-4:00 ng hapon, hangad namang manatili sa kontensiyon ng University of Perpetual Help Rizal sa kanilang pakikipagharap sa Bedans na nais namang lumakas ang tsansa sa Final Four.

Ang Philippine Christian University at College of St. Benilde ay halos sibak na sa kontensiyon bunga ng parehong 3-8 record. (Ulat ni CVOchoa)

ANG PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

BILLY RAY ANABU

BOYET BAUTISTA

COLLEGE OF ST. BENILDE

FINAL FOUR

JONATHAN ALDAVE

JONATHAN PINERA

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

RED LIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with