^

PSN Palaro

Dolphins yuko sa Stags

-
Kumawala ang defending champion San Sebastian College sa ikatlong quarter at hindi nila hinayaang magtagumpay ang paghahabol ng Philippine Christian University sa final canto upang iposte ang 82-75 panalo sa NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Nakawala ang SSC Stags sa three-way log-jam matapos ilista ang kanilang ika-pitong panalo sa 11-laro at maaaring makisalo sa liderato kung mananalo ang Mapua Institute of Technology laban sa Colegio de San Juan na kasalukuyang naglalaban habang sin-sulat ang balitang ito.

Kumawala sa dikdikang laban ang San Sebastian nang kanilang kunin ang 12-puntos na kalamangan bago matapos ang ikatlong quarter, 59-47 at 61-49.

Sa unang laro, nanaig din ang SSC Staglets kontra sa PCU Baby Dolphins, 76-72 sa juniors game para sa double celebration ng Baste.

BABY DOLPHINS

COLEGIO

KUMAWALA

MAPUA INSTITUTE OF TECHNOLOGY

NAKAWALA

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with