^

PSN Palaro

RP Team ginulpi ang Thais sa SEABA Basketbaal Championships

-
KUALA LUMPUR--Tinabunan ng Philippines-Cebuana Lhullier ang kanilang mabagal na panimula upang pabagsakin ang Thailand, 83-56 noong Martes ng gabi sa Southeast Asian Basketball Championships dito.

Nagpasiklab ang tambalang sina Gary David at Emmerson Oreta nang magpasabog ng siyam na puntos upang trangkuhan ang Nationals sa 11-0 bomba sa second quarter na naglagay sa kanila sa unahan at hindi na nila binitiwan pa.

Ang panalo ay naglagay sa Philippines ng malakas na laban para sa korona sa single-round robin tourney na ito na ang koponan na may magandang record ang siyang tatanghaling kampeon.

Susunod na makakaharap ng bansa ang Vietnam sa Miyerkules ng gabi bago sagupain ang Malaysia. Tinalo ng host country ang Vietnam, 90-75 sa isa pang opening day match.

Ang nasabing basket ang siyang nagpatahimik sandali sa mga Filipino crowd na binubuo ng mga mag-aaral at empleyado na nagtatrabaho dito sa Malaysia Basketball Association gym na bahagyang nagpakaba sa kampanya ng Filipinos.

Ngunit agad ding binuhusan ng malamig na tubig ng 24-anyos na si David ang pananakot ng Thais nang kumana ito ng tres na sinundan ng fastbreak layup upang agawin ang trangko.

Halos dalawang buwan pa lamang na nabubuo, umaasa ang RP-Cebuana Lhuillier Team na makukuha ang isa sa dalawang nalalabing slots sa Asian Basketball Confederation championships sa susunod na buwan sa Harbin, China.

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION

CEBUANA LHUILLIER TEAM

EMMERSON ORETA

GARY DAVID

HARBIN

MALAYSIA BASKETBALL ASSOCIATION

MIYERKULES

NAGPASIKLAB

PHILIPPINES-CEBUANA LHULLIER

SOUTHEAST ASIAN BASKETBALL CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with