Semis winalis ng Forward Taguig
August 20, 2003 | 12:00am
CEBU CITY -- Winalis ng Forward Taguig ang kanilang best-of-three semifinal series kontra Pampanga Bulls upang makopo ang unang finals seat, habang bumangon naman ang Ozamizs Compak Shine-way upang talunin ang Cebus M. Lhuillier Kwarta Padala, 76-75 at palawigin ang kanilang semis sa 2003 NBL national championship sa Cebu Coliseum dito.
Ang panalo ng Shineway ay nagdala sa sarili nilang serye ng Lhuillier sa 1-1 at napuwersa ang deciding Game Three kung saan ang mana-nalo rito ang siyang ookupa ng ikalawa at nalalabing finals slot.
Tumapos si Chris Quimpo ng 18 puntos at nagdagdag naman si Erwin Sta. Maria ng 16 puntos kung saan naglunsad ang Taguig ng 15-4 salvo sa third quarter upang igupo ang Bulls, 81-70 at umusad sa finals.
Umiskor naman sina Jerry Jaca at Milfred Sampilo ng tig-15 puntos upang trangkuhan ang Ozamiz cagers na iposte ang kanilang panalo kontra sa Cebuanos at ipuwersa ang knockout match para sa isa pang finals berth sa tourney na ito na sponsored ng Tanduay Rhum, Air Pilippines, PCSO, Panasonic, Burlington, Cebu Ferries at Supercat.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended