Titulo asam ng Coke

Muli na namang makakahawak ng titulo ang Coca-Cola Tigers.

‘Yan ay kung mananalo sila ngayon.

Tangkang tapusin ng Coca-Cola sa pamamagitan ng sweep ang kani-lang championship showdown laban sa Alaska Aces sa Game Two ng Samsung PBA Invitational ngayon sa Cuneta Astrodome.

Nakatakda ang sagupaan ng Tigers at Aces sa alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Nakauna na ang Coke sa best-of-three finals series sa pamamagitan ng 94-81 panalo sa game One noong Linggo.

Dahil dito, may pagkakataon ang Coca-Cola na makahawak uli ng titulo matapos maagaw ng Talk N Text Phone Pals ang kanilang All-Filipino crown.

Napakasakit sa Aces ang kanilang nakaraang pagkatalo dahil napag-kaitan sila ng pagkakataong makumpleto ang isang pagtatapos na wala pang nakakagawa sa kasaysayan ng PBA.

Matapos ang siyam na sunod na panalo sa kumperensiyang ito, nakalasap ng pagkatalo sa kauna-unahang pagkakataon ang Alaska kaya hindi na nila maisasagawa ang conference sweep.

Posibleng hindi ito nangyari kung nakapaglaro si Don Allado na nagkaroon ng sprain at kahit sa do-or-die game ng Aces ngayon ay di pa tiyak kung makakalaro ito.

Kailangang ipanalo ng Alaska ang huling dalawang laro sa serye para di masayang ang kanilang magandang sinimulan.

"We have to anticipate what adjustments they made for game two," sabi ni coach Chot Reyes.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Alaska coach Tim Cone.

"It aint over ‘till the fat lady sings," ani Cone. "We just have to be more focus tonight." (Ulat ni CVOchoa)

Show comments