Bagamat pinaghatian ng De La Salle ang kanilang asignatura noong nakaraang linggo, nananatiling hawak pa rin ng mens ang pangunguna kasabay ng pagdomina ng University of the Philippines sa womens side ng chess event ng 66th UAAP season.
Sa kabila ng back-to-back na panalo ni John Paul Gomez, nabigo pa rin ang Green Archers sa UP Maroons noong Sabado, 1-3, ngunit nagawa nilang bumangon sa pamamagitan ng 4-0 tagumpay kontra naman sa NU noong Linggo upang manatiling nasa unahan sanhi ng 14.5 puntos matapos ang ikalimang rounds.
Nangailangan ang 17-anyos na si Gomez na naglaro ng kanyang unang season sa Archers ng 13 moves Sicilian hawak ang mga itim na piyesa nang kanyang talupan si John Finly Dacanay ng UP noong Sabado, bago isinunod na biktima si Christian Gunayan ng NU na hawak naman ang mga puting piyesa sa bisa ng 27 sulungan ng Center Counter.
Sa iba pang resulta, namayani naman ang UE Warriors kontra FEU, 4-0.
VOLLEYBALL:
Dalawang magkaibang kabiguan ang nalasap ng Far Eastern University nitong Linggo nang ang kanilang womens team ay nabigong mapanatili ang kanilang malinis na kartada, habang muli na namang yumukod ang kanilang mens team sa 66th UAAP volleyball tournament.
Pinabagsak ng De La Salle ang Lady Tamaraws, 25-17, 25-22, 38-36 upang pigilan ang tangkang sweep ng Taft-based volleybelles matapos na ipalasap ang kanilang unang talo sa likod ng limang sunod na panalo.
Namayani rin ang University of Santo Tomas sa kontensiyon matapos ang 23-25, 25-15, 25-15 panalo kontra sa UP na inabot lamang ng 77 minutos na labanan sa Human Kinetics gym sa Diliman.
Sa iba pang laban, ipinadama ng UP ang ikalawang dikit na talo ng FEU sa bisa ng 25-23, 25-18, 25-22 sa mens side.
Sa iba pang laban sa mens side, ginapi ng Adamson ang UE, 25-14, 25-17, 25-19 at naungusan ng National U ang Ateneo, 30-28; 25-20, 25-18.