M.Lhuillier,Taguig lumapit sa finals

CEBU CITY -- Kapwa pinayukod ng M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu at Forward Taguig ang kani-kanilang kalaban noong Linggo upang ihakbang ang kanilang kampanya para sa titular showdown ng 2003 NBL national championship sa New Cebu Coliseum dito.

Nanalasa sina Bruce Dacia, Arnold Rodriguez at Woodraw Enriquez nang trangkuhan ang Cebuanos upang silatin ang Compak Shineway-Ozamiz City, 87-81, habang simandig naman ang Taguig sa endgame break upang hiyain ang Pampanga Bulls, 87-81 sa pagsisimula ng kani-kanilang best-of-three semifinal series.

Show comments