^

PSN Palaro

Wala pa si Direck Brown

- AC Zaldivar -
WALA namang earth-shaking na pagbabago sa line-up ng Purefoods Tender Juicy Hotdogs na gigil na gigil nang makabawi sa mga pagkatalong sinapit nito hindi lang sa kasalukuyang season kundi pati na rin noong isang taon.

Aba’y akala ng karamihan ay tuluy-tuloy na ang pag-angat ng Hotdogs matapos na magkampeon sa 2002 Governors Cup sa ilalim ng pamamatnubay ni interim head coach Paul Ryan Gregorio. Pero dumausdos sila pagkatapos ng pama-mayagpag na iyon. Hindi sila nakarating sa semifinals ng sumunod na dalawang conferences.

Sa simula ng taong ito ay ninombrahan si Gregorio bilang head coach kapalit ni Eric Altamirano na pinamahala ng San Miguel Countryside Basketball Development Program. Kinuha din ng Hotdogs ang mga pambatong tulad nina Rodney Santos at Gilbert Demape at mga prized rookies na sina Billy Mamaril at Jenkins Mesina.

Subalit patuloy na sumadsad ang Hotdogs at hindi naka-rating sa quarterfinals ng All-Filipino Cup. Hindi rin sila nag-qualify para sa Samsung-Invitational Cup.

Nitong mga nagdaang araw ay maraming balitang umugong hinggil sa Purefoods. Nandiyan ang usapang tila kukunin ng Hotdogs ang mga free agents na sina Peter June Simon at Allan Salangsang na kapwa miyembro ng PBL champion Hapee Toothpaste. Pero hindi yata natuloy iyon.

Nandiyang humugong ang balitang ite-trade nila si Kerby Raymundo sa Shell Velocity. Pero tila wala namang basehan iyon dahil malaking kabaliwan ang ipamigay si Raymundo na itinuturing na future ng team.

At nandiyan din ang balitang tila hindi makararating sa bansa ang import na si Derick Brown na siyang tumulong nang malaki upang magkampeon ang Hotdogs noong isang taon. Nais kasi ni Gregorio na ibalik si Brown na isang workhorse. Baka nga naman maibalik ni Brown ang magic ng Hotdogs.

So, ano ba ang tutoo hinggil kay Brown?

Puwes, tila nga hindi available si Brown para sa mga unang bahagi ng Third Conference na magsisimula sa Agosto 30. Tila sa late September pa siya puwedeng makarating sa bansa upang maglaro sa Purefoods.

Kaya naman si Gregorio ay napilitang pumunta sa Estados Unidos upang personal na maghanap ng import na sa tingin niya ay makakatulong upang ibalik ang kanyang koponan sa "right track." Sa kasalukuyan ay si assistant coach Ronnie Magsanoc na muna ang siyang nagsu-supervise ng mga practice sessions ng Hotdogs.

Kung mayroong minor na pagbabago sa line-up ng Purefoods, ito ay ang pangyayaring kinuha nila si Ronald Magtulis na dating naglaro sa Barangay Ginebra at inilagay sa reserved list si Mark Stevens Victoria.

Magandang move iyon dahil sa bukod sa makakatulong si Magtulis sa opensa ay mahusay din siyang dumepensa at maaasahan laban sa mga imports ng kabilang koponan.

Kung makakahanap ng mahusay-husay na import si Gregorio, baka sakaling maging maganda ang kanyang Pasko!

ALL-FILIPINO CUP

ALLAN SALANGSANG

BARANGAY GINEBRA

BILLY MAMARIL

DERICK BROWN

GREGORIO

HOTDOGS

PERO

PUREFOODS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with