^

PSN Palaro

Antoque, inunahan ni Corpuz sa Olongapo regional leg

-
OLONGAPO City -- Dinaig ni Mamerto Corpuz ang beteranong runner na si Rey Antoque kahapon upang mapagwagian ang 20-kilometer regional elimination leg ng 27th National Milo Marathon dito.

Tinawid ni Corpuz ang finish line sa tiyempong isang oras, walong minuto at 12 segundo na tumabon sa isinumiteng isang oras ni Antoque, winner ng siyam na yugto at isang national title dito na 1:09:11.

Ang panalo ni Corpuz ang nagdala sa kanya para sa national finals sa Metro Manila sa Oct. 19 kasama ang top three finishers sa women’s division kung saan siya ay tumapos ng ikalimang posisyon sa nakaraang taong 42K finals.

Idinagdag pa ni Corpuz na siya ay sasailalim sa mabigat na training sa susunod na dalawang buwan bilang preparasyon sa finals ng annual marathon na ito na ginaganap sa pakikipag-partnership sa Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Department of Tourism, MyGlobe at Power-bar.

Sa distaff side, ipinamalas muli ng defending champion na si Hazel Madamba ng Philippine Navy ang kanyang supremidad nang iposte ang kanyang back-to-back na panalo sa tiyempong 1:24:22.

Si Norma Maranion ang siyang kumuha ng ikatlong puwesto sa kanyang oras na 1:48:42.

BAYVIEW PARK HOTEL

CEBU PACIFIC

CORPUZ

DEPARTMENT OF TOURISM

HAZEL MADAMBA

MAMERTO CORPUZ

METRO MANILA

NATIONAL MILO MARATHON

PHILIPPINE NAVY

REY ANTOQUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with