RP belles kampeon sa World Series

Ang Asia-Pacific na kinatawan ng Philippines Girls Junior Softball team ay nanaig sa pinapaborang Puerto Rico upang mapagwagian ang World Series Little League championship sa Kirkland, Washington. Ito ang kauna-unahang nakamit ng bansa ang titulo para sa girls team.

Ang mga batang atleta ay mga estudyante ng Paglaum Village National High School sa Bacolod.

Ang maliit na pitcher na si Aiza dela Torre ay mas mataas sa kanyang mga kalaban nang hawakan nito ang tournament record na 17 strikesout at hangaan ng mga manonood habang inilalampaso ang mga mas malalaki at matatangkad na Puerto Ricans.

Hinatak ng RP belles na may kabiguan sa ikatlong inning nang magbigay ng dalawang hits na may isang out si dela Torre. At sa estratehiya ni coach Rey Fuentes, inatasan nito ng walk ang Puerta Rican hitter na si Ninostka Amato para punuin ang base at nanahimik ang kapaligiran. Dito napatalsik ni Aiza ang sumunod na dalawang batters.

Show comments