FedEx, 3rd placer sa PBA invitationals

Naideliver ng FedEx Express ang kauna-unahang tropeo nang kanilang isubi ang third place finish sa Samsung PBA Invitational Championships kagabi sa Cuneta Astrodome.

Matapos mabigong makapasok sa kampeonato, pinagbalingan ng sama ng loob ng Express ang Red Bull Barako na kanilang pinabagsak sa 99-84 iskor sa unang laro kagabi.

Nasibak sa knockout semis ang FedEx matapos ang 96-83 kabiguan sa Coca-Cola Tigers habang yumukod naman ang Red Bull sa Alaska, 95-86.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Tigers at Aces sa Game One ng kanilang best-of-three championship series para sa titulo ng ikalawang kumperensiyang ito.

Humataw sina Renren Ritualo, Roger Yap at John Ferriols ng 21, 19 at 18 puntos.

Show comments