FG nakalikom ng P24.5 M para sa Vietnam SEA Games
August 16, 2003 | 12:00am
Nakalikom ang fund raiser na inilunsad ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo para sa mga Filipino athletes na lalahok sa nalalapit na Vietnam Southeast Asian Games kahapon ng halagang P24.5M na nagpasaya sa mga atleta na isang magandang senyales sa mga sports opisyal na nagtungo sa Malacañang Palace.
Ang nasabing karagdagang pondo ay nagmula sa ibat ibang top corporations ng bansa na gagamitin ng mga atleta sa kani-kanilang buildup para sa nasabing Games na nakatakda sa Hanoi at Ho Chih Mihn City sa Dec. 5-13, habang ang aktuwal na gastusin sa paglahok sa naturang meet ay magmumula naman sa President Arroyos fund.
Ang nasabing pledging session na tinaguriang Medalyang Ginto...-May Laban Tayo ay pinangunahan ng San Miguel Corp., ang nangungunang food conglomerate ng bansa na naglagak ng P10 milyon na siyang naging simula ng pagdagsa ng mga pledges.
Pinuri rin ni Philippine Olympic Committee president Celso Dayrit ang nabanggit na proyekto na nagsabing We are very grateful to the donors. The athletes will greatly benefit from this project initiated by the First Gentleman Foundation."
Labing pitong sports ang mabebenipisyuhan mula sa karagdagang pondo na nanggaling sa pledges na direktang mapupunta sa PSC. Itoy ang archery, athletics, bowling, cycling, diving, fencing, judo, karatedo, pencak silat, rowing, shooting, gymnastics, swimming, taekwondo, weightlifting, wrestling at wushu.
Bukod sa San Miguel, nangako rin ang Inter-national Container Termi-nal Services, Inc., (ICTSI) (P3M); Ayala Group of Companies (3M); Philippine Long Distance Telephone Co. (P3M); Aboitiz Group of Companies (3M); Smart Communi-cations (P.5); Globe Tele-coms (P.5M); Fortune Tobacco (P.5M); Philippine National Oil Co. (P.3M); Petron (P100,-000); GMA Network (100,000); Philippine Charity Sweepstakes Office (50,000); Johnny Borromeo (100.000); Philippine Deposit Insurance Corp., (P50,000) at PNB (P50,000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended