Coach at 5 players ng Talk N Text bigyan ng aral -Jawo
August 15, 2003 | 12:00am
"Terrible, nakakahiya at walang modo" ito ang tinuran ni Sen. Robert Jaworski sa naganap sa laro sa pagitan ng Talk N Text at Red Bull Barako noong Miyerkules ng gabi.
Nanawagan din si Jaworski, tinaguriang "The Living Legend" ng PBA, kay PBA commissioner Noli Eala na sipain o bigyan ng leksiyon ang mga players na-involved dito.
Tinutukoy ni Jaworski ang tila lokohang ginawa ng Talk N Text kung saan nag-shoot ng bola sa goal ng kalaban.
"Tadtad na nga ng problema ang PBA, and then we get this," galit na wika ni Jaworski. "Nilalangaw na nga sila, niloloko pa nila ang mga laro. No wonder people are shying away."
Hindi inaasahan ni Jaworski na mangyayari ang ganitong klaseng insulto sa ligang kanyang kinalakihan.
"I haven't seen anything like it. It's crazy and terrible. You cannot just smile and laugh at this. Binabayaran sila bilang professional hindi dapat walanghiyain ang laro."
Kaugnay nito, ipinatatawag ni Eala ang limang manlalaro ng Talk N Text na nasa loob ng court ng gabing iyon at ang coaching staff para magpaliwanag.
Nakatakdang magtungo sa opisina ng commissioner ang limang players sa ganap na ala-una ng hapon at alas-2 naman ang coaching staff.
Samantala, maghaharap naman ang FedEx at Coca-Cola na susundan ng Red Bull Barako at Alaska sa crossover semis sa Ynares Center, Antipolo.
Bago rito, magbibigay naman ng kasiyahan ang Slam Nation sa mga Pinoy sa kanilang pagpapakita ng mga kakaibang slam dunk routine. (Ulat ni DMV)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am