^

PSN Palaro

Slam Nation magpapakitang gilas

-
Slam-dunkers lilipad sa tatlong tao habang isinasagawa ang 36 degree o hawak na magkasabay ang dalawang bola at paglipad sa ibabaw ng kotse para sa kagila-gilalas na slam.

Ito ang pangako ng Slam Nation, ang pinakasikat na slam dunking group sa daigdig na maaring magpakilig sa mga Pinoy fans sa isang mini-press conference sa National Sports Grill kahapon.

Ang 7-man daredevil group ay kasalukuyang nasa bansa para sa anim na araw na live performance sa pagtatapos ng Nike Battle-ground Asia.

Ang National Finals sa Carousel Court ng Festival Mall ay sa Linggo, Agosto 17.

Sa Biyernes bibigyan kasiyahan ng Sultans of Slams mula sa France ang mga PBA fans sa Ynares gym sa Antipolo.

"Nike Philippines warmly welcomes the Slam Nation. We invited them here to give basketball fans a rare and exciting brand of basketball show, so I encourage every-one to come and see them perform at the Nike Battle-grounds Asia on Sunday," ani Rely San Agustin, Nike Philippines Communications manager.

Ang Slam Nation ay binubuo nina 5-foot-11 Steve Lobel ng France, 5-foot-11 Kadour Ziana ng Algeria, 6-foot-2 Joachim Ekanga Ehawa ng Cameroon, 6-foot-2 Abdoulaye Desire Bamba ng Ivory Coast, 6-foot-3 Serge Moulare ng Ivory Coast, 6-foot-3 Kevin Lescot ng France at 6-foot-6 Dejan Ristic ng Serbia.

Sila ay sinamahan ng kanilang manager na si Jeremy Medjana at images producer Nicolas de Virieu.

ABDOULAYE DESIRE BAMBA

ANG NATIONAL FINALS

ANG SLAM NATION

CAROUSEL COURT

DEJAN RISTIC

FESTIVAL MALL

FOOT

IVORY COAST

NIKE BATTLE

SLAM NATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with