^

PSN Palaro

BAP-NBL National Open

-
Idaraos ng National Basketball League ang kanilang unang international meet na tinaguriang 2003 BAP-NBL National Open kung saan sasagupa ang RP Men’s Team sa mahigpit na foreign teams sa isang linggong event na nakatakda sa September 10-17 sa Cebu City.

Ang naturang event ay sanctioned ng Basketball Association of the Philippines (BAP) ang siyang pinaka-prestihiyosong tournament na inorganisa ng NBL sa kanilang ikalawang taon.

Ang tournament na ito ang magiging preparation ng RP Nationals na hahawakan ni coach Aric del Rosario sa kanilang kampanya sa ABC Men’s Championship at Southeast Asian Games sa Vietnam ngayong Disyembre kung saan haharapin nila ang mga national teams mula sa Qatar, Jordan at Chinese Taipei.

Ang ikaapat na koponan ay ang Satria Muda Britama na siyang sumungkit ng runner-up finish sa Indonesian Basketball League (IBL) na hahawakan ni dating RP coach na si Nat Canson.

Ang Qatar ay babanderahan ng six-foot-8 na si Yaseen Ismail Mahmoud na tinaguriang ‘The Dunker from Doha’ nang kanyang trangkuhan ang koponan sa 2002 ABC champions Cup sa Malaysia.

Ipaparada naman ng Jordan ang kanilang 6’9 center-forward na si Zaid Alkhas na maaalala sa kanyang pagpukol ng puntos na siyang nagpatalsik sa Philippines mula sa title race sa 1994 Asian junior Championship.

Ang Taiwanese ay babanderahan naman ng 6’8 guard na si Tien Lei, 6’11 slotman Wu Dai Hao at television actor Yen Hsing Su ng ‘My MVP Valentine’ Chinovela.

Kakampanya naman sa local ang NBL All-Stars North at NBL All-Stars South. Inimbitahan din ang San Miguel All-Stars na binubuo ng mga dating PBA superstars na gigiyahan naman ni coach Eric Altamirano.

ALL-STARS NORTH

ALL-STARS SOUTH

ANG QATAR

ANG TAIWANESE

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

CEBU CITY

CHINESE TAIPEI

ERIC ALTAMIRANO

INDONESIAN BASKETBALL LEAGUE

NAT CANSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with