Naglalayon na palakasin ang billiards bilang pangunahing sports spectacle sa bansa, ito ay binuo ng Tanduay Distillers advertising manager Larry Li upang higit na palawakin at masubukan ang kaka-yahan ng mga pangunahing players sa bansa para sa kompetisyon na magbibigay ng P100,000 premyo.
Ang naturang event, na kumuha ng sponsorship sa Tanduay, ay may suporta din ng Hope ay sinunod sa alternating shots, alternating breaks format ng prestihiyosong Mosconi Cup na tinatampukan ng kampeonato sa pagitan ng Europe at United States noong nakaraang Disyembre.
"Weve not just uplifting the lives of our topnotch billiard players here, CBLs main goal it to develop more world class talents and just imagine the beauty of how these cue artists maneuver each shot as a team over live television," paliwanag ni Li nang maging panauhin ito sa PSA forum na itinataguyod ng Red Bull, Agfa Color at Pioneer Insurance sa Holiday Inn Manila Pavilion.
Ang television coverage ng NBL ay isasa-ere tuwing Sabado mula alas-8 hanggang 9 ng gabi sa National Broadcasting Network.
Ang walong partisipanteng koponan sa pangunahing pagtatanghal ay ang Tanduay, Imarflex, Hope, Dream Tv, Accel, Tobys Nikon at Sky-flakes. Ang torneo ay gagana-pin sa Rommels Billiards at Robinson Galleria.
Pitong pangunahing Pinoy at isang Swede ang napiling team captains sa torneong may nakasigurong P10,000 sa 16 qualifiers.
Ito ay sina Marcos Chamat, Lee Van Corteza, Snooky Villanueva , Venancio Tanyo, Marlon Manalo, Al Ortega, Gaga Gabica, at Julie Falcon.