^

PSN Palaro

Pampanga Bulls magsuslat ng bagong kasaysayan

-
Panibagong kasaysayan ang nais na isulat ng Pampanga Bulls sa kanilang pakikipagharap sa Forward Taguig sa pagsisimula ng kanilang best-of-three semifinal series sa Linggo, Augosto 17 sa 2003 NBL 1st National Championship sa New Cebu Coliseum sa Cebu City.

Nakakuha ng respeto ang Pampanga nang kanilang pagwagian ang unang edisyon ng nasabing tournaments. Isinubi ng Pampangueños ang 1st Philippine National Games basketball crown noong 1995. tatlong taon ang nakalipas, muli naman nilang napanalunan ang unang Metropolitan Basketball Association (MBA) National championship.

Umaasa si coach Allan Trinidad na maipagpapatuloy nila ang kanilang winning form dahil na rin sa buong suporta ni Lubao Mayor Dennis Pineda. Tumapos ang Pampanga at Forward Taguig ng parehong 6-6 win-loss slate sa eliminations at kanilang pinag-hatian ang unang dalawang laro.

Lumasap ang Bulls ang 72-74 pagkatalo sa kanilang unang paghaharap sa C. P. Tinga Memorial Hall sa Taguig, subalit nakabangon sa bisa ng 86-76 tagumpay sa kanilang rematch sa Bren Z. Guiao Convention Center.

Tampok naman sa isa pang best-of-three semis series ang sagupaan sa pagitan ng M. Lhuillier-Kwarta Padala at Compak Shineway-Ozamiz City.

Nakasalalay ang kampanya ng Bulls kina Dave Bautista, nangunguna sa karera ng MVP, Billy Bansil, Welihado Duyag, Elbert Alberto, Ariel Garcia at Bj Santos na kukuha ng suporta mula kina Marion Tadeo, Sherwin Garcia at Elvis Tolentino.

ALLAN TRINIDAD

ARIEL GARCIA

BILLY BANSIL

BJ SANTOS

BREN Z

CEBU CITY

COMPAK SHINEWAY-OZAMIZ CITY

DAVE BAUTISTA

ELBERT ALBERTO

FORWARD TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with