^

PSN Palaro

Lagay ng Fil-shams pag-uusapan ngayon sa PBA

- Dina Marie Villena -
Ano ang magiging resulta sa matagal ng kaso ni Bong Hawkins? May kinabukasan bang naghihintay para sa mga Fil-foriegn cagers na ipinag-uutos ng Senado na ideport?

Ito ang mga tatala-kayin ngayon sa special meeting ng PBA Board sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Ngunit higit na mapag-tutuunan ng pansin ngayon ng PBA board ay ang ibinunyag ng Senado na mga Fil-shams.

At upang maiwasan ang higit na kontrobersiya tungkol sa mga Fil-shams na ito, pabor ang mga koponan na ibalik ang policy na pagmumulta sa mga Fil-foreign players na kinukuwestiyon ang tunay na pagka-Filipino.

Ngunit gayunpaman, ilang mga team owners at team managers ang nagpahayag na kailangan munang dumaan sa isang meeting at mapagkasun-duan ang gagawin bago tuluyang gumawa ng hakbang kontra sa mga players na ipinadi-deport. Ang mga ito ay sina Asi Taulava ng Talk N Text, Rudy Hatfield ng Coca-Cola, Andy Seigle ng Purefoods, Jon Ordonio ng Alaska Aces at Davonn Harp ng Red Bull.

Pag-uusapan din ang kaso ni Hawkins at maaaring pagbotohan ng Board kung ano ang maaaring irekomenda ni PBA Commissioner Noli Eala para maresolba ang problema.

Samantala, pormal na isinumite ni Sen. Robert Barbers ang senate committee report 256 na nagrerekomenda sa limang Fil-shams na ideport makaraang ma-tuklasang peke ang mga dokumentong isinumite ng mga ito.

Sa 20 pahinang com-mittee report ng senate committee on games, amusements and sports na pinamumunuan ni Barbers at senate com-mittee on constitutional amendments, revision of codes and laws ni Sen. Edgardo Angara ay humi-hiling na sumailalim sa summary deportation pro-ceedings ang limang Fil-shams.

Nakatakdang pagde-batehan ang report ni Barbers anumang araw ngayong linggong ito sa Senado. (May ulat ni Rudy Andal)

ALASKA ACES

ANDY SEIGLE

ASI TAULAVA

BONG HAWKINS

COMMISSIONER NOLI EALA

DAVONN HARP

EDGARDO ANGARA

JON ORDONIO

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with